SMP (Samahang M__ ang Puso)

Malapit na ulit ang Araw ng mga Puso. Ramdam na ramdam na ang nalalapit na araw na ito dahil sa dami ng nagkalat na pulang pusong papel na nakadikit sa bintana ng mga magagarang tindahan sa malalaking mall.

Tumigil ka saglit at makinig sa mga bulong at usap-usapan ng mga taong nakapaligid sa iyo. Magugulat ka sa mga maririnig mo. Karamihan sa kanila ay tila kinikilig pa sa pagpapasya kung saang motel magandang magpalipas ng ka-sweetan, anong magarang kainan masarap puntahan o di kaya’y saan luluwas upang magpalipas ng isang espesyal na araw. Ang araw ng pag-ibig.

E ano naman kasi talaga ang espesyal sa araw na ito? Oo, isa ako sa malamang na marami-raming ipinagkikibit balikat na lamang ang selebrasyon ng unofficial holiday na ito. Kung ang Pasko ay may SMP, mayroon din namang SMP sa puso ng bawat isa na dinamdamdam sa araw-araw para sa iba’t ibang rason.

1. Samahang malalamig ang puso – sila ang mga taong nasaktan at natatakot na ibigay muli ang kanilang 100%. Makikita mo sa kanilang mga mata at gawa na mayroon silang pasang problema. Nakakangiti pero parang pilit. Sinasabi nila na okay pero nakapinta sa kanilang mukha na hindi naman talaga. May mga pagkakataon na tila tulala at malalim ang buntong hininga. Minsan, dahil sa trauma sa kanilang mapait na karanasan, nagiging mas matapang sila. Akala mo masungit pero yun ay dahil ayaw nilang matapakan muli ang kanilang puri at masaktan ang damdamin. Hindi panghabang-buhay ang ganitong estado, isa lamang itong bahagi ng buhay na malalagpasan din. Ang bawat tao ay dumadaan sa depresyon kapag nakakaranas ng hindi magandang pangyayari. Masasaktan ka at malulungkot pero sabi nga nila, time heals all wounds, hindi man ngayon at hindi rin man bukas, unti-unti sa tulong ng mga taong nakapaligid sa iyo at nagbibigay ng suporta ay malalagpasan mo rin ito.

2. Samahan ng mapagpanggap ang puso – sila ang mga taong ipinapakita kung gaano kasaya ang kanilang buhay, laging nakangiti at tila walang problemang dinadamdam. Ngunit ang lahat ng iyong nakikita ay maskara lamang na nakatakip sa tunay na estado ng kanilang saloobin. Ayaw nila ipakita ang totoo nilang nararamdaman dahil ayaw nila ng drama, ayaw nila ng awa at lalong ayaw nila ng atensyon kapag inihayag nila ang sigaw ng kanilang puso. Sila yung mga taong sinasarili ang mga problema at umiiyak na lang ng tahimik habang yakap ang kanilang paboritong unan. Mahirap maging isang taong mapagpanggap at lalong mahirap ipagsarili ang mga problema at saloobin. Kung malungkot ka, huwag kang matakot na ipakita ito. Walang masama sa pagiging malungkot at walang masama kung ibabahagi mo sa mga taong malapit sa iyo ang iyong mga dinaranas na problema, no man is an island, ika nga nila. Malay mo, sila ang makatulong upang mapagaan ang loob mo at masolusyonan ang iyong problema.

3. Samahang maligaya ang puso – sila ang mga taong kontento sa estado ng kanilang mga buhay. Hindi man perpekto ang buhay nila ay nagagawa nilang humarap sa kanilang mga problema ng nakangiti. Hindi nila hinahayaan na hilahin sila ng kanilang problema pababa. Nalulungkot din at nasasaktan ngunit alam nila kung paano magagawan ng paraan ang lahat ng ito. Sila ang mga taong naniniwala na, life goes on, minsan masaya, minsan malungkot, minsan patay, minsan buhay. Alam nila kung paano tanggapin ang iba’t ibang pangyayari sa buhay maganda man o hindi.

Minsan sa iyong buhay, mararanasan mo kung paano maging masaya, malungkot at problemado. Bahagi lahat ito ng ating pagkatao. Ang mga karanasan na ito ay ang humuhubog sa iyong katauhan at nagsisilbing gabay sa iyong paglalakbay. Isipin mo kung alin sa mga samahan ng puso mo maibabahagi ang sarili mo. Sana doon sa masaya, at kung hindi naman, ay naniniwala ako na ang puso ay hindi habang-buhay na malungkot, kailangan lang ng kaunting pag-ibig.

Advertisements

About Elaine

interior designer | occasional bookworm | closet otaku | music lover | frustrated craftsman | lazy artist | part time bum
This entry was posted in Whatnots and tagged , , . Bookmark the permalink.

5 Responses to SMP (Samahang M__ ang Puso)

  1. kabilang sa mga SMP, whether 1, 2, or 3… lahat naman siguro tayo naranasan lahat ng types of SMP πŸ˜€ Nice representation by the way πŸ˜€

  2. Ako man ay hindi na ulit nag ccelebrate ng tinatawag na “Valentines’ Day” sapagkat naniniwala ako na araw araw ay espesyal at ang pagmamahal ay hindi lang sa 1 “espesyal” na araw pinagdiriwang. Kahit man sa monthsary at anniversary ay hindi ko na rin ganun binibigyan ng kahulugan.

    Lahat ata eh applicable saken sa mga definition mo ng SMP. Ganun pa man, more of the 3rd one na ako kumpara noon.

    Nice post. Keep it up πŸ˜‰

    • mynihility says:

      Thanks for liking the post.

      Tama ka, hindi naman dapat tuwing Valentine’s lang pinapahalagahan ang mga mahal natin sa buhay. Dapat araw-araw espesyal at araw-araw maramdaman nila na mahal natin sila. Wala naman sa holidays, monthsaries at anniversaries yun. πŸ™‚

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s