Para Kay B (Kung paano dinevastate ng pag-ibig ang 4 out of 5 sa atin) ni Ricky Lee
“Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig, isa lang ang magiging maligaya. Ang iba, iibig sa di sila iniibig, o iibig nang di natututo. O iibig sa wala. O di iibig kailanman.”
Hindi ako mahilig magbasa ng mga nobelang Tagalog, lalo na ng mga love story dahil kadalasan, ordinaryo ang plot o di naman kaya ito ay base sa isa pang popular na banyagang nobela na ginawan ng Pinoy twist. Ngunit dahil marami sa aking mga kaibigan ang nakahiligang basahin ang nobelang ito, naisipan ko na baka may kakaiba sa pagkakahabi ng kwentong nakapaloob dito. At hindi naman ako nagkamali.
Nang bilhin ko ang librong ito ay dali-dali ko itong sinimulan. Maganda ang pagkakagawa sa limang kwento ng pag-ibig. Ang nobelang ito ay kwento ng iba’t ibang klase ng pag-ibig na nararanasan ng magkakaibang pangunahing tauhan. Iba ito sa mga nabasa ko nang nobela tungkol sa pag-ibig dahil hindi ito sumusunod sa pangkaraniwang kwento na umibig-nasaktan at umibig namang muli na sitwasyon. Kumbaga, isa itong breath of fresh air sa aming mga mambabasa.
Modernong wika ang ginamit sa pagsasalaysay ng bawat kwento, Tagalog at Ingles. Madali itong intindihin dahil mababaw lamang ang mga salitang ginamit.
Sumatutal, ang nobelang Para Kay B, ay isang librong maganda at magaan basahin. Minsan sa iyong pagbabasa ay mapapaisip ka tungkol sa estado ng sarili mong buhay pag-ibig. Hindi man pangkaraniwan ang mga kwentong isinasalaysay kahit papaano ay makakaugnay ka sa mga damdamin at saloobin ng mga pangunahing tauhan.
Isa sa mga paborito kong linya sa nobelang ito, at tumatak sa aking isipan ay ang katagang ito:
“Hindi mo pwedeng mahalin ang isang tao nang hindi mo minamahal ang hilaga, silangan, timog at kanluran ng kanyang mga paniniwala. Kapag nagmahal ka’y dapat mong tanggapin bawat letra ng kanyang birth certificate. Kasama na doon ang kanyang libag, utot at bad breath.Pantay-pantay ang ibinibigay na karapatan sa lahat ng tao upang lumigaya o masaktan o magpakagago pero kapag sumara na ang mga pinto, nawasak na ang mga puso at ang bilang ay umabot na sa zero, goodbye na.”
Isa sa mga paborito kong tagalog na libro. 🙂 tama ka na habang binabasa mo to, mapapaisip ka sa estado ng buhay pagibig mo kahit di ganun kakomplikado dahil somehow may kaugnayan.
Kakatapos ko lang basahin ang librong mula sa exchange gift. Grabe. Patuloy na nasa isipan ko sina Irene, Erica, Sandra, Ester at Bessie. One of the best book I’ve ever! Hehehe =)
*Ive ever had.
saan pwede makabili ng libro nya?
Meron sa National Bookstore and Fullybooked. 🙂 Tignan mo sa Filipino Literature section or ask sa customer service.
i need to remind myself to buy this book >_<
Definitely worth the read. 🙂 You can also try reading Si Amapola sa 65 na Kabanata (Ricky Lee) if you’re looking for a good laugh. 🙂
thanks… its on my list… will devote a day to hunt these books before the end of the month 😀